Isang babaeng centenarian, binigyang pagkilala at tulong-pinansyal ng Pasay City LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala at pag pugay ng Pasay City Local Government ang pinakahuling centenarian ng siyudad na si Lola Caridad Lagadia Reyes, na umabot na sa edad na 100 taon.

Si Lola Caridad ay isinilang noong March 10, 1923, isang plain housewife at ina ng anim na supling.

Bilang pagkilala sa pambihirang milestone ni lola Caridad, personal na ipinagkaloob ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang P100,000 centenarian cash gift mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ang Letter of Felicitation na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa mandato ng Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016.

Nagbigay rin ng personal na cash gift si Mayor Emi at food packs para kay lola Caridad.

Iginiit ni Mayor Emi, na titiyakin ng kanyang administrasyon na maipagkaloob sa lahat ng centenarians ang benepisyong nararapat sa kanila.

Suportado rin ng alkalde ang mga hakbang para mapalawig at mabigyan pa ng karagdagang benepisyo ang centenarians, at mga nakatatanda na naabot ang pambihirang edad sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo sa buhay. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us