Isang lalaki na inanod sa Marikina River, pinaghahanap ngayon ng Marikina City Rescue 161

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinasa ng Marikina City Recue 161 ang search and rescue operation sa isang lalaki na inanod sa Marikina River.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Marikina City Rescue 161 chief Dave David, tumawid ng ilog sa ilalim ng Tumana Bridge ang 24 na taong gulang na lalaki para puntahan ang kanyang kaibigan na nangingisda sa kabilang pampang.

Pero sa lakas ng agos, tinangay ang biktima.

On-going naman ang search and rescue operation ngayon ng Marikina City Rescue 161 kung saan pahirapan ng operasyon dahil sa lakas ng agos ng tubig sa ilog.

Sa ngayon, nakataas sa unang alarma ang ang alarm level ng Marikina River na nasa 15.7 meters. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us