Isang prison guard, patay sa pamamaril sa loob ng Laguna Provincial Jail

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang isang prison guard matapos na barilin ng isang inmate sa loob ng Laguna Provincial Jail sa Sta Cruz, Laguna kaninang alas-9 ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jonathan Sombilla Buenviaje, 50, Prison Guard I, residente ng Barangay Maulawin, Pagsanjan, Laguna.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagbabantay sa dorm 1 ng Provincial Jail ang biktima nang biglang inagawan ng baril ng suspek na si Romnick Balbaran Estadilla at pinagbabaril.

Agad naman rumesponde ang isa pang jail guard at binaril ang suspek na nagresulta sa pagkasugat nito.

Kapwa isinugod sa ospital ang suspek at ang biktima, kung saan idineklarang dead on arrival ang biktima.

Inaalam pa sa ngayon ng mga imbestigador ang motibo sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us