Binigyang diin ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang kahalagahan ng ‘whole-of-government approach’ sa pagkakaroon ng kaaya-ayang business environment sa mga negosyo sa isinagawang post-SONA Philippine Economic Briefing sa Laoag, Ilocos Norte kahapon.
Kinilala rin ni Pascual ang kahalagahan ng kolaborasyon ng pamahalaan, pribadong sektor, academe, at civil society upang tiyakin ang tagumpay ng mga lokal na negosyo.
Dagdag pa ng kalihim, mananaliting nangunguna ang DTI sa pagtiyak ng produksyon ng mga de-kalidad na produkto at serbisyo na maaaring pumasok sa global value chain.
Nanawagan rin si Pascual sa mga partner-agencies nito, partikular ang Department of Agriculture at Department of Labor and Employment na ipagpatuloy ang kanilang kolaborasyon sa pagtiyak ng food security at paglikha ng de-kalidad at mas magandang trabaho na may nakabubuhay na sahod para sa lahat. | ulat ni Gab Villegas