Kampanya kontra ‘vote buying’, paiigtingin ng Comelec kaugnay ng BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang mas pinaigting pang kampanya ng Commission on Elections o COMELEC kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sanggunian o SK elections sa Oktubre.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia matapos silang lumagda ng Memorandum of Agreement sa Philippine National Police o PNP at Philippine Coast Guard o PCG para sa paglalatag ng seguridad sa BSKE ngayong araw.

Kasunod nito, sinabi ni COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr., kasama na rin aniya sa kanilang tututukan ang makabagong mukha ng ‘vote buying’ tulad ng electronic o e-wallet, online banking at money transfers

May binuo na silang isang lupon na kung tawagin ay Committee on Kontra Bigay katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Isinasapinal na lamang ani Maceda ang bersyon nila ng mga panuntunan sa Kontra Bigay at maisasama na ang mga bagong mukha ng ‘vote buying’ sa sandaling ilabas na nila ito. | ulat ni Jaymark Dagala

📷: COMELEC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us