Lanao del Sur solon, nangangamba na posibleng kulangin ang pondo para sa Marawi compensation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humirit si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung maaari pa bang ma-adjust ang budget na inilaan para sa Marawi victims’ compensation sa 2024.

Sa naging budget briefing ng DBCC, sinabi ni Adiong kay DBM Sec. Amenah Pangandaman na mula nang buksan ang application para sa Marawi victims’ compensation ay nasa 2034 applicants na ang na-profile ng Marawi Compensation Board.

Sa bilang na ito nasa higit 100 pamilya na aniya ang vetted at posibleng umabot ng 5 milyong piso kada indibidwal ang halaga ng claims.

Pero ayon kay Pangandaman, dahil sa nabuo na ang 2024 budget ay hindi na nila ito maaaring dagdagan.

Gayonman, maaari namang i-realign aniya ng Kongreso ang pondo para madagdagan ang P1 bilyon na proposed budget.

Nangako rin ito na sa susunod na taon, ay ikokonsidera ang dagdag funding sa compensation claims basta’t maisumite ng compensation board ang listahan ng claimants. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us