Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ng isang Community Job Fair sa darating na Biyernes, August 11 na gaganapin sa TS Cruz Covered Court sa Barangay Almanza Dos.
Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Aabot sa kabuuang 365 na bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikante sa nasabing job fair, na lalahukan ng 16 na kumpanya.
Ayon sa Las Piñas Public Employment Service Office, ilan sa mga trabahong iniaalok sa nasabing job fair ay accountant, company nurse, merchandiser, promodiser, mason, customer service representatives, cashier, driver at marami pang iba.
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan, na huwag kalimutang magdala ng maraming kopya ng resume, ballpen, vaccination card at magsuot ng angkop na kasuotan. | ulat ni Gab Villegas