LRT 2, may handog na libreng sakay sa mga gaganap ng tungkulin sa FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ngayon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA na maghahandog ng libreng sakay ang LRT Line 2 para sa mga personalidad na gaganap ng mahalagang tungkulin na may kinalaman sa FIBA World Cup.

Ito’y bilang pagsuporta ng LRTA sa Phlippine Sports Commisson o PSC sa prestihiyosong palaro na magbubukas ngayong araw, Agosto 25 na tatagal hanggang September 10.

Simula ngayong araw, libreng makasasakay sa LRT 2 ang mga atleta, coach, miyembro ng organizing committee, volunteers, mga tauhan ng safety and security gayundin ang mga media na magco-cover sa event.

Gayunman, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay sa mga nabanggit ay kanilang ipagkakaloob kahit tapos na ang torneo o hanggang Setyembre 12.

Kinakailangan lamang ipakita ng mga gaganap sa tungkulin sa FIBA ang kanilang accreditation pass upang makakuha ng libreng sakay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us