Muling iginiit ng Light Rail Transit Authority o LRTA sa mga pasaherong tumatangkilik sa LRT Line 1 at 2 na mapupunta sa pagpapabuti ng serbisyo at pasilidad ang ipinatupad na fare increase simula ngayong araw.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na sa naturang fare increase ay aabot sa P114 milyon ang makokolekta nito sa isang taon at sa nasabing halaga ay P110 milyon ang mapupunta sa operational maintenance at rehabilitasyon ng mga bagon ng tren.
Dagdag pa ni Cabrera na patuloy ang kanilang pagpapabuti ng serbisyo para sa pagpapabuti ng operasyon ng LRTA sa pampublikong mananakay. | ulat ni AJ Ignacio