Mahigit 5,000 pulis ikakalat sa Metro Manila, para sa Balik-Eskwela 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapakalat ng 5,000 tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa seguridad ng Balik-Eskwela 2023.

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Brigadier General Melencio Nartatez, nakahanda na ang kanilang buong hanay para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.

Sinabi ni Nartatez, na 668 Police Assistance Desks ang kanilang itatayo sa bisinidad ng mga pribado at pampublikong paaralan sa Metro Manila, para masiguro na maging maayos ang unang araw at mga susunod pang araw ng pasok ng mga estudyante at guro.

Bahagi aniya ito ng napagkasunduan sa pagpupulong ng Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd) at mga paaralan.

Kasama din aniya sa mga ide-deploy ang tactical motorcycle riding units, explosive ordnance disposal (EOD), canine unit, at mobile at foot patrol.

Bukod sa mga paaralan, kasama rin aniya sa mga babantayan ang mga areas of convergence tulad ng transportation hubs. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us