Mambabatas, ipinanawagan ang pagsasaayos ng programa at pagtuturo sa mga bagong pulis

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarerepaso ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) at sa Police National Training Institute ang kanilang Program of Instructions sa Public Safety Basic Recruit Course.

Ito ay para maituro aniya nang maayos sa mga bagong rekrut na pulis ang tamang ‘police operational procedure’.

Ang pahayag na ito ni dela Rosa ay kasunod na rin ng nangyaring pagkakapaslang ng mga pulis sa isang 1- taong gulang na binatilyo na si Jemboy Baltazar sa Navotas City dahil sa ‘mistaken identity’.

Binigyang diin ng senador, na dating hepe ng PNP, dapat masampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mag pulis sangkot sa insidente.

Ipinunto rin ng mambabatas na kung hindi maisasaayos ng pambansang pulisya ang programa nila sa mga bagong rekrut na pulis, maging sa mga matagal na sa serbisyo, ay mauulit lang ang pangyayaring ito.

Ibinahagi ni Senador Bato na base sa ‘rules of procedure’, ang layunin ng mga pulis ay maaresto ang mga suspek at hindi ang patayin ang mga ito.

Sinabi naman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na magpapatawag lang siya ng pagdinig tungkol sa pagakkapaslang kay Jemboy kung hindi siya magiging kontento sa imbestigasyon at hakbang ng PNP. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us