Tumanggap ng motorcycle units at helmets ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila mula sa kanilang mga partner organization ngayong araw.
Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau Officer-In-Charge Zenaida Viaje, aabot sa 35 helmets at 5 motorcycle units ang kanilang tinanggap na gagamitin para sa kanilang traffic operations.
Ang mga ito ay mula sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, EVO Philippines, Philippine Chinese Commerce and Industry Overseas Association, at Overseas Chinese Aluminum Association of the Philippines.
Personal na tinanggap ni Manila Vice Mayor Yul Servo ang mga donasyon bilang kinatawan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: MANILA PIO