Hindi na kailangang magpakita ng negative RT-PCR test o Antigen test results kontra COVID-19 ang mga lalahok sa 2023 Bar Examinations.
Ito ang nakasaad sa inilabas na Bar Bulletin no. 6 ng Korte Suprema o ang mga bagong panuntunan para sa nasabing pagsusulit sa taong ito.
Bagaman, hindi na kailangan ang mga nabanggit na test result, hinihikayat naman ng High Tribunal ang mga lalahok sa 2023 Bar Exams na magpabakuna kontra sa virus.
Gayunman, sinabi ng Supreme Court na ang mga lalahok sa Bar Exams na magpapakita ng sintomas ng sakit ay kailangang sumailalim sa pagsusuri.| ulat ni Jaymark Dagala