Hawak na ng Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ang tatlo sa apat na baril na pagmamay-ari ni Wilfredo Gonzales, ang nagviral na drayber ng kulay pulang sedan na nanakit at nanuntok ng baril sa isang siklista.
Ayon kay PNP-FEO Director, P/BGen. Keneth Lucas, ito’y matapos na ipag-utos ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr ang revocation sa License to Own and Possess Firearms o LTOP, Permit to Carry Firearms at rehistro ng baril ni Gonzales.
Kasunod nito, sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief, P/BGen. Redrico Maranan na dahil nakuha na ang mga baril ni Gonzales ay ituturing na itong loose firearms.
Samantala, sinabi ni Maranan na dating naging Pulis si Gonzales na naka-assign sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District subalit nasibak sa serbisyo noong 2018.
Ang tinig nila PNP FEO Director, P/BGen. Keneth Lucas at PNP PIO Chief, P/BGen. Redrico Maranan. | ulat ni Jaymark Dagala