Naglibot si Manila Mayor Honey Lacuna sa ilang mga eskwelahan sa lungsod kasabay ng pagbubukas ng School Year 2023 – 2024 ngayong araw.
Ayon sa alkalde, ginawa lahat ng lungsod ang makakaya nito para mapaghandaan ang pagbubukas ng klase gaya ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela.
Pinilit din aniyang ibigay ng lungsod ang mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante gaya ng bags, lapis, ballpen at papel.
Nakasunod din ayon sa alkalde ang mga eskwelahan sa lungsod sa kautusan ng Department of Education na tanggalin ang mga hindi kailangang posters o anumang nakadikit sa nga silid-aralan.
Dagdag pa ng alkalde na isa ring doktora, bagamat hindi na kinakailangan ay maari pa ring magsuot ang sinuman ng facemask kung ang mga ito ay mas komportable para sa kanila. | ulat ni Lorenz Tanjoco