Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) Region 1 na handa ang kanilang mga guro sa pagpapatupad ng Revised K to 10 Program ng Kagawaran.
Ayon kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, lagi namang handa ang kanilang mga guro sa implementasyon ng mga bagong programang nais ipinapatupad ng ahensya.
Sa katunayan aniya, ngayong linggo ay may ilang piling guro mula sa rehiyon ang kasama sa mga magdi-develop ng mga learning materials na gagamitin sa pagpapatupad ng Revised K to 10 curriculum.
Sa ngayon ay wala pa namang paaralan o lugar na natukoy ang DepEd bilang pilot area para sa nasabing programa.
Sa ngayon kasabay sa paglulunsad ng Brigada Eskwela sa rehiyon, 144,705 na ang nakapagpatalang mag-aaral o 11.16% mula sa 1,296,195 na nagpatala sa nakalipas na school year.|via Sarah Cayabyab| RP1 Dagupan