Mga kalsada sa Metro Manila na napinsala ng kalamidad, kukumpunihin na ng DPWH-NCR sa Biyernes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso na ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) sa mga motorista na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila simula sa darating na Biyernes, Agosto 4.

Ito ay dahil sa mga gagawing pagkukumpuni ng ahensya sa mga lansangang apektado ng nakalipas na mga bagyong Egay at Falcon gayundin ng mga pag-ulan dala ng habagat.

Mula 10 PM ng Biyernes, gagawin ang bahagi ng EDSA Busway mula Buendia sa Makati City hanggang Muñoz sa Quezon City, North at Southbound lane na tatagal hanggang 5 AM ng Miyerkules, Agosto 9.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorsita na dumaan muna sa mga alternatibong ruta tulad ng Skyway o maaari ding dumaan sa NLEX Balintawak ramp sa Luzon Avenue, Plaza Dilao at Nagtahan.

Kung off ramp naman, maaaring dumaan sa Quezon Avenue, Nagtahan, Zobel – Buendia; NAIA 1, 2 at 3; Doña Soledad, Dr. A. Santos Avenue, Alabang – Zapote Rd at SLEX elevated extension.

Kung pa-hilaga naman ang biyahe mula sa Southern Metro, maaaring dumaan sa on-ramp ng SLEX elevated extension, Alabang – Zapote Rd, Dr. Arcadio Santos Ave., Doña Soledad Ave., Quirino Ave., Nagtahan at Quezon Avenue.

Para naman sa off-ramp, maaaring dumaan sa Magallanes, Don Bosco, Amorsolo, Buendia, Quirino, Nagtahan, Quezon Avenue, St. Rivera, A. Bonifacio, Balintawak at palabas ng NLEX.

Habang sa mga pribadong sasakyan, maaari ring gamitin ang mga itinalagang Mabuhay lanes. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us