Mga kukuha ng CSC records, sisingilin na ng bayad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC), na maniningil na ito ng bayad sa mga kukuha ng CSC records sa pamamagitan ng courier delivery.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, kinuha ng ahensya ang serbisyo ng isang courier company para mas mabilis at masinop na mai-deliver ang mga requested CSC record at documents.

Sinabi ni Nograles, binago na ng CSC ang nakasanayang ipatrabaho sa mga tauhan ng CSC ang pagpapadala ng mga mail delivery.

Napansin kasi ng ahensya, na wala silang batayan para malaman kung nakarating o natanggap ng mga kinauukulan ang mga requested record o documents.

Ayon sa CSC, sa National Capital Region (NCR) ang delivery fee na dapat bayaran ay P160; sa Luzon naman ay P185; at sa Visayas at Mindanao ay sisingil ng P205.

Samantala, ang island cities o municipalities ay sisingilin ng delivery fee na P215. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us