Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, umakyat na sa 232

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 232 sIyudad at munisipyo sa bansa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinagsanib na epekto ng nagdaang bagyong Egay at habagat.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, umakyat ang bilang ng mga calamity area mula sa 154 kahapon.

Ang mga deklaradong calamity areas ay nasa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region.

Dahil nasa state of calamity, magagamit na ng mga LGU at Provincial Government ang kanilang calamity fund.

Awtomatiko ding ipinapairal ang price-freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga calamity area. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us