Pumalo na sa mahigit kalahating milyon o 530,449 ang kabuuang bilang ng mga nagsumite ng kanilang mga Certificate of Candidacy para sa BSKE 2023.
Base sa pinakahuling datos ng Commission on Elections o ang 2-day report nito, 331,181 ang nagsumite para sa Sangguniang Barangay kung saan 41,000 mahigit ang mga nagnanais maging punong barangay habang nasa 290,000 naman ang gustong maging kagawad.
Maliban dito, aabot naman sa mahigit 32,000 ang umaasang magiging SK chairman at nasa 166,000 ang gustong maging SK kagawad.
Patuloy ang ginagawang pagtanggap ng COMELEC sa mga nagnanais maging opisyal ng barangay mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Ito ay magtatapos sa Sabado, ika-2 ng Setyembre. | ulat ni Lorenz Tanjoco