Mga Pilipinong may nawawalang kaanak kasunod ng wildfire sa Hawaii, pinapayuhang magsumite ng DNA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pahirapan pa ang pagtukoy kung may Pilipinong kabilang sa 99 na indibidwal na una nang naitalang nasawi sa wildfire sa Hawaii.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortez, na sa kasalukuyan ang US authorities ay hindi pa nakapaglalabas ng breakdown ng ethnicity ng mga ito.

Dahil dito, pinapayuhan ang pamilyang may nawawalang kaanak na magsumite ng DNA samples upang makatulong sa beripikasyong ginagawa ng mga otoridad.

“According also to our consolate in Honolulu, 3% pa lang ng mga nasunugan ang na-cover, na-search ang area, rescue operations ng US government, talagang napakahirap po. In fact, ang ginawa ng mga Red Cross offices, they ask those mga may nawawalang kamag-anak to submit their DNA, kasi ‘di pa rin nila naa-identify ‘yung nakita nilang fatalities.” —Asec. Cortes

Samantala, base sa pinakahuling ulat na natanggap ng DFA mula sa Philippine Consulate sa Honolulu, nasa 50 ang mga Pilipinong guro na J1 visa holder ang una nang nagdeklara na ligtas sila mula sa wildfire.

Handa ang pamahalaan na i-repatriate ang mga ito sakaling magpahayag na nais nang bumalik sa bansa.

Base sa pinakahuling tala ng DFA, nasa 380,000 ang Pilipino sa Hawaii. Mula sa bilang na ito 25,000 dito ang Philippine passport holders. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us