Mga Pulis na magbabantay sa FIBA World Cup, pinaalalahanang tumutok lamang sa kanilang misyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa isasagawang FIBA World Cup simula sa Biyernes, Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, sapat naman ang mga nakakalat nilang tauhan sa iba’t ibang istratehikong lugar gaya ng paliparan, billeting areas gayundin sa mga pangunahing lansangang daraanan ng kanilang convoy.

Pero pagdating sa mga lugar na pagdarausan ng laro, sinabi ni Fajardo na nakasuporta lamang ang PNP dahil ang punong abala aniya rito ay ang mismong organizer.

Kaya naman hinihiling ng PNP sa mga manonood ang kanilang pakikiisa at pang-unawa, dahil asahan na ang mahigpit na seguridad na ipatutupad sa mga playing venue.

Dagdag pa ni Fajardo, pinaalalahanan din ng pamunuan ng PNP ang mga Pulis na mapapasama sa deployment, na tutukan lamang ang kanilang misyong tiyakin ang seguridad at iwasan ang makipag-selfie sa mga manlalaro.

Magugunitang noong isang taon nang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang mga kawani ng Bureau of Immigration, makaraang maging viral sa social media matapos makipag-selfie sa mga K-Pop singer na bumisita sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us