Pinuri ng dalawang lady solon ang liderato ng Department of Education (DepEd0 sa mga ipinatupad nitong reporma sa kagawaran.
Una dito, tinuran ni Appropriations Vice Chair Janette Garin ang mabilis na pagtalima ng DepEd sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA).
Sa 205 audit recommendation ng COA, 114 na ang kanilang naayos, at may 91 na nasa proseso.
Dahil dito ayon kay Education Undersecretary Michael Poa, nabigyan ang DepEd ng unmodified o unqualified opinion noong 2022 na unang pagkakataong natanggap ng ahensya.
Binati rin ni Senior Vice Chair Stella Quimbo ang kagawaran sa pagsusulong nito ng MATATAG agenda.
Ayon sa mambabatas na isa ring guro, ang MATATAG agenda na isinusulong ng departamento ang nakikita nilang susi para matugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral.
Pinaboran din ng kinatawan ang polisiya ng DepEd, na alisin ang dekorasyon sa mga classroom.
Maliban sa mas makaka-focus ang mga mag-aaral ay bawas gastos din ito sa mga guro na siyang naglalabas ng pera para sa mga dekorasyon sa classroom.
Pinuri din ni Quimbo ang pagkakaroon ng assistant secretary for procurement ng DepEd, dahil sa mas naging mabilis ang procurement processes ng ahensya. | ulat ni Kathleen Forbes