Puspusan ang ginagawang road clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng nagdaang bagyong Egay gayundin ng habagat.
Batay sa pinakahuling datos ng DPWH kaninang tanghali, bumaba na lamang sa anim ang mga kalsadang nananatili pa ring sarado sa daloy ng trapiko bunsod ng mga gumuhong lupa, nabuwal na mga puno, nasirang tulay at iba pa
Lima sa mga ito ang mula sa Cordillera Adiministrative Region o CAR habang isa naman mula sa Central Luzon.
Samantala, nananatili naman sa 10 pang mga kalsada sa CAR, Ilocos at Central Luzon ang limitadong madaanan partikular na para sa mga maliliit na sasakyan lamang.
Pumalo naman sa mahigit P7.3 milyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng nakalipas na kalamidad. | ulat ni Jaymark Dagala