Mga vlogger na gumagawa ng prank video, binalaan ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga lumilikha ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video, na pananagutan nila ang kanilang mga ginawa.

Ang babala ay ginawa ng PNP chief matapos arestuhin ng Las Piñas City Police Station ang tatlong sikat na vlogger na kilala bilang “Tukomi brothers” dahil sa kontrobersyal na kidnapping prank na nag-viral.

Kinilala ng PNP ang tatlong inaresto na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes.

Ang mga akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Art. 513 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga ito noong April 6, 2023.

Matatandaang nagsagawa ng kidnapping prank ang tatlong popular na You-tuber na hindi natuloy matapos masaksihan ng isang pulis at muntik nang tumuloy sa enkwentro.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us