Nakatakdang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kabilang ang anim na lungsod sa National Capital Region (NCR), ang soft launch ng single ticketing system sa darating na Martes, August 8.
Kung saan iti-turn over na ng MMDA ang 30 handheld ticketing devices, hardware, at dual SIM na may dalawang taong subscription sa unang limang LGUs na nagroll-out na ng kanilang single ticketing system.
Ang anim na lungsod ay kinabibilangan ng Lungsod ng San Juan, Valenzuela, Parañaque, Caloocan, at Muntinlupa
Kabilang din ang Quezon City na may sarili ng mga handheld ticketing device para sa kanilang enforcement operations, at inaasahan ang soft launching ng handheld ticketing device nito kasama ang MMDA at ang limang LGUs sa Agosto 8 hanggang Agosto 11.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, na patuloy silang nakikipagtulungan sa PNP at iba pang lokal na pamahalaan sa paggamit ng body worn cameras, at pagpapatupad ng single ticketing system para mas mapabuti ang traffic system sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio