Plano ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council na maglagay ng modular rain catchment system sa mga paaralan at barangay bago matapos ang taon.
Ito ay bahagi ng hakbang para matugunan ang banta sa krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makatutulong ito upang hindi na makabawas ang mga paaralan at barangay sa malinis na tubig na maaaring gamitin sa pagdidilig at paglilinis ng banyo.
Dagdag pa ng opisyal, nagsasagawa na ng pag-aaral ngayon ang MMDA kaugnay sa modular rain catchment system kung saan maaari i-adjust ang catchment basin na kayang mag-imbak ng 10 cubic meters o 10,000 litro ng tubig.
Ani Artes, sa ganitong paraan makakatipid ang pamahalaan sa halip na magbayad sa mga water concessionaire.
Target na unang lagyang ng modular rain catchment system ang mga ilalim ng overpass na maaaring gamitin pandilig ng halaman. | ulat ni Diane Lear