Most Wanted sa lalawigan ng Pangasinan, huli ng mga awtoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ng mga awtoridad ang Most Wanted Person sa lalawigan ng Pangasinan o Top 1 wanted person sa Provincial at Municipal Level sa Brgy. San Juan, San Jacinto, Pangasinan dakong 7:20am kahapon (August 8, 2023).

Ginawa ang panghuhuli ng pinagsanib na puwersa ng San Jacinto Police Station bilang lead Unit katuwang ang Intelligence Unit ng Pangasinan Police Provincial Office at Police Regional Office 1 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Presiding Judge, RTC Branch 24, Third Judicial Region sa Cabanatuan City, Nueva Ecija dahil sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-carnapping Law na may petsang August 7, 2023 at may piyansang umaabot sa P300,000.00.

Kinilala ang suspek na si Mark Marionne Llorando, 33-taong gulang, walang trabaho at residente ng nasabing lugar.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng SanJacinto Police Station ang suspek para sa proper disposition.| ulat ni Verna Beltran| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us