Umabot na sa lima ang naaresto ng MPD sa mga lumalabag sa COMELEC Gun Ban.
Ayon kay MPD Director BGen. Andre Dizon, dalawa sa mga nahuli ay may dalang baril habang tatlo naman ang nakuhanan ng mga patalim.
Sinabi ni Dizon na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint hanggang sa matapos ang election period.
Paalala ni Dizon sa mga may-ari ng baril – huwag nang dalhin ang kanilang baril kung walang exemption mula sa COMELEC.
Kasabay nito, nilinaw ng MPD Chief na hindi bawal sumama ang media sa checkpoint lalo at ito ay ginagawa sa pampublikong lugar.
Bahagi rin aniya ito ng transparency sa operasyon ng pulisya. | ulat ni Lorenz Tanjoco