Asahan pa ang mga aftershocks sa bahagi ng Sabtang, Batanes matapos ang magnitude 5.7 na lindol na nangyari bago mag alas-10:00 ngayong umaga.
Paglilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang dalang pinsala ang lindol na tumama sa bahagi ng karagatan.
Ayon sa ulat, natunton ang epicenter ng lindol sa layong 38 kilometro ng Timog-Kanluran ng Sabtang.
Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na sampung kilometro.
Naramdaman ang intensity 1 sa Pasuquin, Ilocos Sur.
Pinawi din ang pangamba ng publiko bagama’t sa karagatan nangyari ang pagyanig ay hindi ito nagdulot ng tsunami. | ulat ni Rey Ferrer