Nasawi sa pananalasa ng dalawang nagdaang bagyo at habagat, umakyat na sa 29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 29 ang mga naiulat na nasawi dahil sa pinagsanib na epekto ng dalawang nagdaang bagyong Egay, Falcon at habagat.

Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Sa nasabing bilang, dalawa pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 27 ang isinasailalim pa sa berepikasyon ng mga awtoridad.

Umakyat din sa 165 ang naiulat na nasaktan at 11 ang naiulat na nawawala.

Habang mahigit na sa 805,000 pamilya o lagpas sa tatlong milyong indibidwal ang naapektuhan mula sa 4,826 barangay sa 14 rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us