Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakilala na ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Ilog-Cagayan sa bahagi ng steel bridge sa Amulung, Cagayan kaninang umaga.

Ayon kay PCpl. Julieto Mora, imbestigador ng Amulung Police Station, kinumpirma mismo ng asawa ng biktima na ang narekober na bangkay ay si Leomar Fenix, 35 taong gulang, na taga-Sta. Isabel Sur, sa siyudad ng Ilagan, sa Isabela.

Base sa impormasyong natanggap ng pulisya, umaga noong Agosto 27 nang napaulat na nawawala si Fenix matapos tangayin ng rumaragasang tubig sa isang ilog sa kanilang lugar.

Nabatid na nangunguha noon ng igat ang biktima, kasama ang kapatid at pamangkin.

Ayon sa PNP, lumobo na at nasa state of decomposition na ang katawan ng biktima nang ito ay matagpuan kaninang umaga. | ulat ni April Salucon-Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us