NCRPO, nakahanda na sa pagdating ng mga kalahok sa Fiba World Cup sa August 25

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdating ng mga deligado sa gaganaping Fiba World Cup, sa darating na August 25.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Jose Nartatez Jr., na nakalatag na ang security measures mula pagdating ng mga deligado hanggang sa event, sa Philippine Arena.

Isa sa gagamitin bilang express lane ang Edsa busway, upang maging mabilis ang pag-transport ng mga deligado.

Muli namang siniguro ni Nartatez sa publiko, na magiging maayos ang gagawing seguridad ng NCRPO sa mga manlalaro, mula pagdating sa bansa hanggang sa kanilang accommodation. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us