Office of the Vice President, nagpasalamat sa mabilis na pagkakapasa ng kanilang budget para sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Office of the Vice President (OVP) sa mga miyembro ng Appropriations Committee ng House of Representatives sa patuloy na pagsuporta sa mga programa nito.

Ito ay matapos na mabilis na lumusot sa komite ang OVP budget sa isinagawang budget deliberations na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte, ngayong araw.

Sa isang mensahe, sinabi ni VP Sara na kumpiyansa siyang maipagpapatuloy ng OVP ang kanilang mga programa at pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino.

Kabilang dito ang pagbubukas ng karagdagang OVP satellite offices, para mas mailapit sa publiko ang medical at burial assistance.

Nasa P2.37 bilyon ang pondong ipinapanukala para sa OVP sa susunod na taon.

Samantala, sinabi naman ni VP Sara na nakaplano na at natukoy na ang mga aktibidad at proyekto na paggagamitan ng 2022 confidential fund ng OVP, na nagkakahalaga ng P125 milyon.

Aniya, walang irregular at unauthorized na paggamit sa naturang pondo, at ang mga kinakailangang liquidation at accomplishment report ay naisumite na sa oversight agencies.

Kaugnay nito, ay hinimok ng Pangalawang Pangulo ang Makabayan bloc na tigilan na ang kritisismo sa OVP kaugnay ng 2022 confidential fund, kung wala naman aniya itong matibay na ebidensya at impormasyon sa umano’y maling paggamit ng pondo.

Ayon pa kay VP Sara, ang mga malisyosong pang-aatake ng Makabayan ay kawalan ng respeto sa mga Pilipino na pinagsisilbihan ng OVP.

Gayundin aniya ang hindi nito pagkilala sa mga ginagawa ng OVP gaya ng paglaban sa insurgency, terrorism, at social inequality. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us