Oil slick sa karagatan ng Batangas, hindi kasing lala ng sa Oriental Mindoro — PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakitaan ng Philippine Coast Guard ng ‘oil slicks’ ang karagatan ng Calatagan, Batangas.

Ito ay bunsod ng ng paglubog ng isang fishing vessel na may dalang 70,000 litro ng marine diesel oil.

Ayon kay PCG District Southern Tagalog Commander Geronimo Tuvilla, ang tumagas na langis ay nakita lamang sa “offshore” o sa lugar ng insidente, matapos lumubog ang “ANITA DJ II” 7 nautical miles ang layo mula sa baybayin ng Cape Santiago noong Linggo.

Dagdag pa ni Tuvilla, wala pang nakikitang ‘oil strandings’ sa mga baybayin ng lugar na kasama sa posibleng trajectory ng ‘oil slick’.

Sa ngayon, walang isinasagawang clean-up operations sa mga baybayin dahil walang ‘oil strandings’ na naobserbahan.

Pero sa kabila nito ay ipinaliwanag ni Tuvilla, magkaiba ang banta ng oil spill na naranasan sa Oriental Mindoro at sa Batangas dahil sa magkaiba ang uri at dami ng langis ng dalawang sasakyang pandagat.

Una nang nasagip ng coast guard ang 13 tripulante ng ANITA DJ II matapos itong lumubog na galing sa Navotas Port at patungo sana sa Palawan fishing grounds. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us