Handa nang tumanggap ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa ibang bansa ang Overseas Job Fair na ikinasa ngayong araw ng Valenzuela LGU.
Ito ay sa pangunguna ng Valenzuela City Public Employment Service Office, Department of Migrant Workers, Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan sa SM Supermalls.
Sa abiso ng pamahaaang lungsod, lalarga ang overseas job fair sa SM City Valenzuela mula alas-8 ng umaga hanggang mamayang alas-3 ng hapon.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng bio-data/resume at iba pang credentials upang makalahok.
Bukod sa trabaho, mayroon ding alok na one-stop-shop ng pre-employment services sa naturang job fair kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa