OVP, nakiisa sa brigada eskwela sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumahok ang Office of the Vice President o OVP sa pamamagitan ng Davao Satellite Office sa Brigada Eskwela sa Vicente Duterte High School sa Davao City.

Ito ay bilang suporta ng OVP sa Brigada Eskwela 2023 ng Department of Education na layong ihanda ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase sa August 29.

Pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naturang aktibidad kasama ang mga guro ng paaralan kung saan pininturahan ang ilang mga kagamitan sa silid-aralan gaya ng mga lamesa at upuan.

Sa panayam ni VP Sara sa media, binigyang diin nito ang layunin na magkaroon ng mga paaralan na malinis at maayos.

Nanawagan din ang Pangalawang Pangulo ng ‘Bayanihan spirit’ sa mga Pilipino para tumulong sa paghahanda ng mga paaralan para sa nalalapit na pasukan.

Matatandaang inanunsyo ng DepEd ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2023 simula August 14 hanggang August 19. | ulat ni Diane Lear

📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us