Pagbabanta ng baril laban sa riders, pinaiimbestigahan ng 1-Rider Party-list sa kongreso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiimbestigahan nina 1-Rider Party-list Representatives Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ang mga insidente ng pagbabanta ng baril laban sa mga naka-2 wheels, partikular na iyong piskal at dating pulis na bumunot ng mga baril laban sa isang rider at siklista.

Ayon kay Rep. Gutierrez, hindi ito ‘isolated incident’ at hindi ito dapat palagpasin

Ayon sa kanilang House Resolution 1231, marapat na imbestigahan ng Committee on Justice and Public Order and Safety ang mga naturang insidente upang mapalakas at mabigyan ng bagong pangil ang batas para proteksyunan ang riders mula sa ganitong paninindak.

Ayon sa mambabatas, sa kasalukuyan ay inaaral na ang mga posibleng pagbabago sa gun regulations o ‘di naman kaya ay pinahigpit na parusa sa mga abusadong active and retired law enforcements.

Dismayado rin ang 1-Rider na mismong mga tagapagpatupad pa ng batas ang naninindak at nang-aabuso. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us