Pagbuo ng Philippine Railway Masterplan, makatutulong na mapaganda ang railway system sa Greater Capital Region — DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Transportation o DOTr na ang pagbuo ng 30-year railway masterplan para sa Greater Capital Region ay makatutulong na magkaroon ng long-term railway systems sa National Capital Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa ceremonial signing of records sa pagitan ng DOTr at Japan International Cooperation Agency o JICA, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na sa tulong ng 30-year railway masterplan mas marami pang railway projects ang maitatayo.

Ayon kay Bautista, nakapaloob sa naturang masterplan ang multilateral cooperation ng Pilipinas at Japan na nakatutok sa infrastructure development, pati na sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sa ilalim kasi ng railway masterplan, ang gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng JICA ay patuloy na mag-i-invest para sa pagpapalawak ng railway infrastructure sa bansa kung saan sakop ang Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon Region sa loob ng 30 taon o hanggang sa 2055.

Nagpasalamat naman si Bautista sa gobyerno ng Japan at sa JICA sa patuloy na pag-i-invest sa apat na sektor ng bansa gaya ng airport, road transport, maritime, at railways. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us