PAGCOR, nangakong maghahanda pa ng dagdag na relief packs para sa Mayon evacuees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakuha ng commitment si Albay 1st District Representative Edcel Lagman mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa dagdag na relief goods para sa Mayon evacuees.

Sa pagsalang ng PAGCOR sa budget briefing sa Kamara, pinasalamatan ni Lagman ang ahensya dahil sa pagpapaabot nito ng tulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

At dahil sa nakapagtala na naman ng mga aktibidad ang bulkan, partikular ang mga pagyanig, ay marami pa ring nasa evacuation centers, humirit ang mambabatas na baka maaaring makapaglaan pa ng dagdag na relief packs para sa mga lumikas na residente.

Tugon ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco, agad silang tutugon sa hiling ng kongresista at pagpupulungan kung paano makapagdaragdag ng tulong sa Mayon evacuees.

Sa naturang briefing ay binanggit ng PAGCOR na umabot na sa ₱18.27-billion ang kanilang relief operations sa mga probinsyang tinamaan ng kalamidad gaya ng sa Aklan, Oriental Mindoro, National Capital Region (NCR), Sorsogon, at Albay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us