Pagkumpleto ng ‘Revitalized-Pulis Sa Barangay’ training program, pinuri ni PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. si Police Community Relations Director Police Maj. General Edgar Alan Okubo sa matagumpay na pagkumpleto ng ‘Revitalized Pulis sa Barangay’ Training Program (R-PSB).

Ayon sa PNP Chief, ang ‘Pulis sa Barangay’ program ay bahagi ng kaniyang 5-focus agenda partikular ng pagiging “pillar of community engagement” ng mga pulis.

Pinangunahan ni Gen. Okubo ang closing ceremony ng R-PSB sa Police Regional Office (PRO) 5 Grandstand, sa Camp BGen. Simeon A. Ola, Legaspi City nitong Martes.

Dito’y nagtapos ng pagsasanay ang 320 R-PSB personnel na ide-deploy sa 6 na buwang immersion program sa 34 na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) Barangay, na napalaya mula sa impluwensya ng NPA.

Ayon kay Okubo, ang mga naturang pulis ang magsisilbing ehemplo ng “community-oriented policing”, na magpapalakas sa kolaborasyon ng PNP sa mga komunidad para sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

📷: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us