Patuloy pa rin ang ginagawang augmentation ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.
Ito’y sa kabila ng halos dalawang linggo matapos ang pananalasa ni bagyong Egay.
Kahapon, naghatid pa ng family food packs ang DSWD Field Office 1 sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur.
Kasabay nito ay patuloy rin ang replenishment ng DSWD sa mga food and non-food items sa mga regional at satellite warehouses sa buong rehiyon.
10,500 pang family food packs ang inilagak sa satellite warehouse sa Lingayen, Pangasinan mula sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB).
Ito ay magiging standby goods na maaaring maibigay na tulong sa mga lugar na apektado ng anumang kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD FO 1