Pagtukoy sa lokasyon ng magkarugtong na Fault Lines sa Kidapawan City at bayan ng Makilala sa Cotabato Province, isinagawa ng DOST-Phivolcs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na sa pagtukoy ng lokasyon sa fault lines mula Kidapawan City hanggang sa bayan ng Makilala probinsiya ng Cotabato ang Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PhiVolcs).

Ayon kay Supervising Science Research Specialist Jeffrey S. Perez, ang walong araw na Active Fault Mapping Fieldwork ay paraan upang malaman ang lokasyon ng magkarugtong na fault lines sa pagitan ng lungsod ng Kidapawan at bayan ng Makilala.

Maalala noong Oktubre 2019, niyanig ng magkasunod na magnitude 6.6 at 6.1 na lindol ang probinsya ng Cotabato na nagresulta ng pagkasira ng mga kabahayan, gusali at nagdulot din ng matinding trauma sa bawat Cotabateño.

Siniguro naman ng DOST na makikipag-ugnayan sila sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng lalawigan upang mapag-usapan at makabuo ng mga hakbang at komprehensibong plano upang maiwasan ang matinding epekto sakaling magkakaroon lindol sa lugar.| ulat ni Macel Mamon Dasalla| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us