Pamahalaan, dapat gawin ang lahat para makolekta ang utang na buwis ng mga nagsara at nawala nang mga POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senadora Grace Poe na dapat gawin ng Bureau of Internal revenue (BIR), sa pakikipagtulungan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang lahat ng hakbang para makolekta ang nasa P2.2 billion na buwis mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nagsara na o nawala na.

Ayon kay Poe, kung lehitimong mga POGO company ang mga ito ay dapat mayroong paraan ang mga regulator para masingil ang utang na buwis ng mga ito.

Umaasa ang senadora na magkakaroon na ng pinal na desisyon ang adminsitrasyon tungkol sa pananatili ng mga POGO sa Pilipinas.

Kung hindi aniya kaya ng pamahalaan na pasunurin sa mga batas at regulasyon ng Pilipinas ang mga POGO ay dapat na silang paalisin ng bansa.

Sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na hindi katanggap-tanggap na hindi makolekta ng PAGCOR ang P2.2 billion na unpaid dues mula sa mga POGO.

Mas nakakaalarma pa aniya na tila sumuko na ang PAGCOR sa paghabol sa mga kumpanyang ito.

Binigyang diin ni Hontiveros na responsibilidad ng PAGCOR na bantayan ang industriya ng online gambling.

Minungkahi rin ng mambabatas na i-blacklist na ang mga POGO na ito at panagutin ang mga opisyal ng PAGCOR na nagkibit-balikat kaya nakalusot na hindi magbayad ng buwis ang mga kumpanyang ito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us