Pamahalaang Lungsod ng San Juan, nagbigay ng tulong pinansyal sa Lalawigan ng Ilocos Sur na isa sa mga napinsala ng bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa Lalawigan ng Ilocos Sur na lubhang napinsala ng bagyong Egay at habagat.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, naghandog ng P500,000 ang lokal na pamahalaan mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa Ilocos Sur upang magamit sa disaster and relief operations ng lalawigan.

Sinabi naman ni Zamora, na pormal siyang makikipagpulong kay Ilocos Sur Vice Governor Ryan Singson at mga opisyal ng lalawigan sa susunod sa linggo.

Matatandaang isinailalaim ang Lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte sa state of calamity dahil sa iniwang pinsalan ng bagyo at habagat, kung saan libo-libong pamilya at indibidwal ang naapekuhan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us