Panibagong pagpatay sa isang radio anchor, kinondena ng PTFoMs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec. Paul Gutierrez, ang pagpatay sa isang Muslim radio anchor sa Cotabato City.

Ayon kay Gutierrez, Lunes ng gabi nasawi ang Muslim radio anchor na si Mohammad Hessam Midtimbang, 32 taong gulang at host ng Bangsamoro Darul Ifta radio program na ipinapalabas sa Gabay Radio 97.7 FM.

Paliwanag ni Gutierez, walang kabuluhan ang ganitong pagkilos at karahasan ay walang lugar sa ating lipunan.

Bilang paunang hakbang, sinabi ni Gutierrez na nakipag-ugnayan na siya sa PNP para sa pag-usad ng isinasagawang imbestigasyon at sa 6th Infantry Division ng Philippine Army para sa suporta sa pangangalap ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa pagpapabilis ng pagresolba ng kaso.

Giit ni Gutierrez na isinasaalang-alang ng PTFoMS ang koneksyon sa trabaho ng biktima bilang isang radio anchor. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us