Hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Southern Tagalog ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tons pababa.
Ito ay dahil sa naranasan na mga malalaking alon dulot ng habagat.
Nakataas pa rin kasi ang gale warning sa Lalawigan ng Occidental Mindoro, Lubang Island, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Polilio Island at Northern Quezon.
Bagamat walang nakataas na storm warning signal, hindi pa rin daw ligtas sa mga maliliit na sasakyan pandagat na may 250 gross tons pababa ang pumalaot.
Mananatili namang maghihigpit ang Philippine Coast Guard sa pagpapatupad nito upang maiwasan ang anumang sakuna. | ulat ni Michael Rogas