Pinakamalaking HADR exercise “Pacific Partnership 2023”, inilunsad sa San Fernando, La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na nagbukas sa San Fernando, La Union kahapon ang “Pacific Partnership 2023”, ang pinakamalaking Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Exercise ng Estados Unidos kasama ang mga kaalyadong bansa sa Asya Pasipiko.

Sa naturang ehersisyo na tatagal hanggang Agosto 31, magsasanay sa pagtugon sa sakuna ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines’ Northern Luzon Command (AFP-NOLCOM), United States Pacific Fleet (US PACFLT), mga Local Government Unit/Agencies (LGU/LGAs), at Non-Governmental Organizations (NGO).

Ayon kay NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca, ang aktibidad ay testamento ng determinasyon ng lahat ng mga kalahok na masiguro ang mas ligtas at matatag na mga komunidad at maitaguyod ang stabilidad sa rehiyon.

Ito ang ika-18 pagkakataon na idaraos ang ehersisyo upang mapahusay ang inter-operability ng mga magkakaalyadong pwersa sa Indo-Pacific Region sa larangan ng HADR.

Bukod sa HADR exercises, kasama din sa aktibidad ang pagsasagawa ng iba’t ibang engineering projects ng American, Korean, at Filipino military engineers. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us