Pinsala sa agri-fisheries sector dulot ng bagyong Egay, pumalo na sa PhP 3.17 billion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumobo na sa PhP 3.17 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), lumaki din ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang apektado na abot na sa 146,260.

Nasa 106,453 metric tons na ng produksyon ang nasira mula sa 170,843 ektarya ng agricultural areas.

Mula ito sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Kabilang sa mga nasira ang pananim na palay, mais, high value crops, livestock at poultry, at fisheries.

Napinsala din ang mga imprastraktura at pasilidad ng agrikultura at pangisdaan, at mga kagamitan sa pangingisda.

Ang pinsala at pagkalugi sa palay ay umabot sa PhP 1.34 Billion habang nasa PhP 1.03 Billion naman sa mais.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us