Pinsala sa agri sector ng Bagyong Egay, halos P2 bilyon na — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo na sa P1.94 bilyon ang halaga ng pinsalang inabot ng sektor ng agrijultura sa mga pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Egay.

Ayon sa DA-DRRM, as of July 31, umabot na rin 123,274 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ng kalamidad sa bansa.

Sumampa na rin sa 147,063 na ektarya ng lupaing sakahan ang nasalanta sa Cordillera Administrative Region, llocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, SOCCSKSARGEN, at Caraga, na may katumbas na 86,975 metriko toneladang volume loss.

Pinaka-apektado ang rice sector na nasa higit 79,000 ektarya ang napinsala na may katumbas na halos isang bilyon.

Kabilang pa sa apektado ang halos 66,000 ektarya ng maisan, 1,510 ektarya ng iba pang high value crops, livestock at poultry, fisheries sector pati na agricultural infrastructure.

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang koordinasyon ng DA sa LGUs at iba pang ahensya para sa assistance sa mga naapektuhang magsasaka kabilang ang mga binhi, at loan program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us